"ASAN si Lance?" tanong ni Aiah nang magkita kami sa lounge ng hallway sa building namin. Kagabi pa kaming nakabalik. "Hindi ka man lang sinundo?" Nakanguso akong umiling. "Ewan ko dun..." ni hindi niya nga ako naihatid kagabi. May importanteng bagay pa daw siyang kailangang gawin. Hindi niya rin ako tinatawagan magmula pa kagabi. "Hindi pa ba kayo nagkakabalikan? Ang sweet sweet niyo sa Cebu kahapon ah.." Si Marie. "Hindi pa kasi kami nag-uusap." sabi ko. "Hindi pa namin napag-usapan kung kami na ulit. Hindi ko rin siya nasabihan na gusto ko na siyang maging boyfriend ulit." "Ang engot mo naman.." Singhal ni Aiah. "Bat di mo agad sinabi yan nung nasa Cebu pa tayo? Natural, naghihintay yun ng response mo kung magbabalikan na ba kayo." Sumimangot ako. "E bakit hindi man lang siya tuma

