NANG gumabi ay naghanda na kami para sa birthday ng Mommy ni Lance. Simpleng dress lang ang isinuot ko dahil hindi naman ako ang may birthday para maghanda ng sobra. Nahiya naman ako bigla nang maalala kong hindi nga pala ako nakabili ng ire-regalo para sa Mommy niya. Kakamadali namin ay nawala sa isip ko. Naandon kaming lahat sa isang restaurant na ni-reserve na para sa kaarawan ni Tita Mallory. Marami rami rin kaming naroon. Maliban sa pamilya niya ay naroon ang lahat ng kanyang mga kaibigan. Dahil nahihiya ako ay sinamahan pa ako ni Lance para batiin siya. "Happy Birthday po tita.." Nakangiting bati ko. "Thank you, Catalina.." Aniya saka ako niyakap. "Pasensya na po kayo tita, hindi po ako nakabili ng gift para sayo. Nawala po sa utak ko kakamadali namin pagpunta dito." "Ano ka b

