"CEBU?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Yes.." Kaswal niyang sagot. "A-Anong gagawin natin dun?" Bahagya siyang lumayo sa akin at nakapamulsang tumuwid ng tayo. "It's Mom's birthday. Mayroon kaming Beach Resort sa Cebu at doon gaganapin ang celebration. Inutusan naman ako ni Dad na sunduin ka." "P-Pero bakit?" Nagtataka paring tanong ko. "Anong bakit?" Kunot noong balik tanong niya. "Why am I invited?" Nagkibit balikat lang siya. "I don't know.." Aniya. "Maybe, she misses you and she wants to see you." Muli siyang lumapit sakin. Yung gahibla nalang ang layo namin kaya napapatingala nalang ako dahil sa tangkad niya. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong niya. Napagtanto kong nakaharang ako sa daan habang hawak ko parin ang maliit na gate. "P-Papasok ka pa?" Napakunot

