LUMIPAS ang pitong buwan. Ganon din ang taon ng aming pagiging grade 11. Sa wakas ay grade 12 na kami. Excited na akong matapos sa senior high para makatapak naman sa kolehiyo. But there is nothing more exciting for me than this day. Today is our first anniversary. Sa haba ng aming pinagsamahan ni Lance. Tuwing monthsary namin ay hindi niya nakakalimutang bigyan ako ng bulaklak o yayain ng date. Kaya ganon nalang katindi ang excitement ko sa kung anong surprise niya para sakin sa araw na ito. Mabilis akong nag-sipilyo at naligo. Pagkatapos kong mag-bihis ay nag-ayos ako ng todo at nagpabango. "Good morning Dad!!" Masayang bati ko sa kanya. Naroon na siya sa hapag kainan at umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. "Good morning, anak. Ang saya mo yata?" "Siyempre special ang araw

