LANCE 1 year ago… "I-I'M SO SORRY, LANCE…" Natigilan ako sa sinabing iyon ni Molly. "I'm sorry, Lance. I-I can't marry you…" Saglit akong natulala. Hindi ko kailanman inasahan na aatras siya sa kasal. "W-Why?" hinanap ko sa sarili ko kung nagkulang ba ako sa pagmamahal ko sa kanya. "Am I not good enough?" Umiling siya at napaiyak. "You're the kindest person I ever have, Lance. And I'm so lucky to have you because you were there for me nung mga panahong kailangan ko ng kakampi. You're here for me and JR. Itinuring mo siyang parang sarili mong anak at sobrang nagpapasalamat ako sa mga nagawa mo para sa'min. But…" natakpan niya ang kanyang mukha at napahagulgol. "...I met him again, Lance…" Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maikakailang malungkot a

