ABOT langit ang ligaya ko nang malaman kong bumalik na ang lahat ng alaala ni Lance. Pareho ko silang minahal, ang Lance noon at ngayon, pero 'di maikakailang hinahanap ko parin ang Lance noon. Kaya naman ngayon ay masaya akong pareho naming inaalala ang mga magagandang memories namin noon. "Anong gagawin natin dito, Babe?" takang tanong ko nang pumasok ang sasakyan namin sa UE, ang unibersidad kung saan kami unang nagkakilala at nagmahalan. "Secret…" nakangising turan niya. Nang makapasok na kami sa campus ay hinila niya pa ako papunta sa dulo ng field. Napangiti na lang ako nang matanaw ko na ang malaking puno. Iyon ang dati naming tagpuan. Nagulat naman ako nang makita si Latrell doon na nakaupo. Doon ko lang napansin ang nakalatag na inihanda ni Lance para samin. Napating

