NAGISING akong masakit ang katawan. Bahagya ring kumikirot ang aking ulo. Nang kapain ko iyon ay nahawakan ko ang band-aid sa aking kaliwang noo. Marami rin akong band-aid sa aking mga braso. Inilibot ko ang aking paningin. Saka ko lang napagtantong nasa ospital ako. Agad kong naalala ang nangyari sakin. Bumangon ako at sakto namang bumukas ang pinto. Pumasok si Daddy kasama ang isang doktor at nurse. "D-Dad…" Agad siyang nagulat at lumapit sa akin. "Anak…" tuwang sabi niya at agad akong niyakap. "Salamat naman at gising kana, anak." Lumapit na sakin ang doktor at nurse saka chineck ako. "Maliban sa galos at maliliit na sugat, wala na kaming napansing injury sa katawan mo. But to make sure your brain didn't get any complications, you have to undergo a CT scan." Marami pan

