"Lance, wag!" Sambit ko. "Kailangan natin siyang tanungin ng maayos. Bitawan mo na siya, please." Bumuntong hininga naman siya saka dahan dahang pinakawalan si Gerard pero masama parin ang tingin niya rito. Lumapit ako kay Gerard at kinuha ang papel. "Gerard, tatanungin kita ng isang beses, you have to be honest with me. Ikaw ba ang gumawa nito?" Ipinakita ko ang papel sa kanya at kinuha naman niya iyon at binasa. Bahagyang nanlaki ang mata niya at napatingin sakin. "No, Cat. I can't do that!" "Oh really?" Nakangising galit na turan ni Lance. "Muntik mo nga siyang bastusin noon tapos ngayon itatanggi mo, tangina mo!" nangigigil niyang sigaw. "L-Lasing ako non, pare. I swear, hindi ko iyon sinasadya." Tumingin si Gerard sakin. At bigla nalang lumuhod sa harap ko. "C-Cat, inaamin kong

