SABADO, niyaya ako ni Lance na mag-date kaya excited ako dahil first date namin iyon. At dahil dun, nag-ayos ako ng bongang bonga. Isinuot ko ang pinaka magandang dress na meron ako sa closet ko. Nang bumaba ako ay naabutan ko pang nag-uusap sila Daddy at Lance sa sala. Lumapit na ako sa kanila, baka magtagal pa sa pagku-kwento si dad at mapurnada pa ang date namin ni Lance. Tumayo si Lance at tumingin sakin. Halata sa mga mata niya ang paghanga sa itsura ko. "Dad, we have to leave." Baling ko kay Dad. "Alright, take care." "Bye Dad." humalik ako sa pisngi ni Daddy. "Let's go?" Si Lance saka humarap kay Daddy. "Sir, aalis na ho kami.." "Sige na, makakaalis na kayo. Mag-ingat kayo sa biyahe." "We will, Dad." Sabi ko saka hinila na palabas si Lance. "You're so beautiful, babe.." B

