FOR almost three months of vacation, I was able to rest not only my body and brain but also my heart. Sa Japan kami nagbakasyon ni Daddy ng halos dalawang buwan. At sa mga araw na iyon ay nakalimutan ko ang kalungkutan at sakit sa puso ko dahil marami kaming napasyalan sa Japan. Wala kaming ginawa kundi ang mamasyal, kumain at mag-shopping. Malaki ang naitulong niyon para makalimutan ko si Lance at makapag-move on. Nakalimutan ko na nga ba siya? Nakapag-move on na nga ba talaga ko? Well, siguro... Dahil pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi ko na siya nami-miss, hindi na ako umiiyak, hindi na ako nag-expect na magkakabalikan pa kami. Maraming mas magandang babae kesa sakin at sigurado akong napalitan niya agad ako. Tanggap ko na. Pero nasasabi ko lang ba yon dahil matagal ko na siyang

