IT was so hard but I was still able to tell him those words. Wala na kami. Sa wakas, makakalaya na rin ako sa isang relasyong walang ginawa kundi ang ako ay saktan. Relasyong walang idinulot sakin kundi kaba, takot at pagdududa na ano mang oras ay pwede niya akong iwanan. Pero hindi ko mapigilang manghinayang at manlumo. Hindi ko parin inaasahang hanggang dito nalang kami. Ginusto ng utak ko at katawan kong makipaghiwalay sa kanya dahil napapagod na ako pero kalaban ko ang puso ko. Mahal na mahal ko si Lance. Isinugal ko ang pag-ibig ko at inialay sa kanya ng buong buo. Bumagsak ang luha ko nang makalabas ako sa restaurant. Napatuon ako sa mga tuhod ko dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako. Napahagulgol ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa totoo lang ay di ko siya kayang iwan.

