DALAWANG linggo na ang dumaan. Nagtataka ako dahil hindi na ako niyayaya ni Lance na magdate kami sa labas. Dati rati ay lumalabas kami tuwing weekends at namamasyal sa mall at kumakain. Inisip ko nalang na busy rin siya katulad ko sa pag-aaral. Ilang buwan nalang ay graduation na namin at kailangan naming paghandaan ang final exam. Pagkatapos nang nangyari nung gabing nalaman kong magdamag silang magkasama ni Molly ay nagkaroon kami ng kaunting pagtatalo ni Lance. Pero dahil malambot ako pagdating sa kanya ay hindi ko na pinatagal pa iyon at agad ko siyang pinatawad. Gumaan narin ang pakiramdam ko nang hindi ko na nakikita si Molly at hindi na nanggugulo samin ni Lance. Hindi ko alam kung nakaalis na ba ito? Dahil ang sabi nito ay two weeks lamang ang stay niya dito. "Cat.." "Hmm?

