"Are you free tonight?" naaalala ni Cedric na tanong ni Paolo kay Nayume kanina lamang habang nakasandal siya sa kanyang swevil chair at nakatalikod siya sa may pintuan ng kanyang opisina. "Bakit?" inosente namang tanong ng kanyang secretary. "I just want to invite you tonight. Let's have our dinner together." Pinaikot-ikot niya ang hawak niyang ballpen sa kanyang mga daliri habang patuloy na gumugulo sa kanyang isipan kung ano kaya ang naging sagot ni Nayume sa imbitasyon ni Paolo. Sana hindi na lang siya umalis pero dahil feeling kasi niya, siya 'yong nakikisawsaw at nakikinig sa usapan ng mga ito. Na-out of place na tuloy siya kahit na siya naman ang may-ari ng kompanyang 'to. Napatingin si Nayume sa kanyang phone nang biglang may natanggap siyang text message at nang tingnan ni

