"Are you asking for two days leave?" tanong ni Cedric nang umagang nakiusap si Nayume sa kanya para mag-leave kahit isang araw lamang. "May mahalaga lang po kasi akong aasikasuhin sa amin, Mr. CEO," paliwanag ng dalaga. May konting pera na siyang naipon. Alam niyang napakaliit pa 'yon para makabayad na sila sa kanilang tiyuhin pero sisikapin niyang pakiusap ito na kung maaari dagdagan pa ang palugit nito sa kanila para bayaran ang utang nila. "When do you leave?" "Kung maari po, bukas sana." "Okay," maiking saad ng binata. "Thank you, Mr. CEO," nakangiting saad ni Nayume saka ito nagpaalam na umalis. Itinukod ni Cedric ang kanyang dalawang siko sa ibabaw ng kanyang mesa saka niya ipinatong du'n ang kanyang chin. Napaisip siya kung ano kaya ang mahalagang bagay na aasikasuhin ng ka

