"Good morning, Mr. CEO," bati ng mga empleyadong nadadaanan ni Cedric habang naglalakad siya papasok ng kompanya. "Good morning," bati rin niya sa mga ito. "Good morning, Mr. CEO," bati nina Antonette at Jenny pati na rin ang mga kasamahan nila. "Good morning," aniya saka siya napatingin sa mesa na inuupuhan ng kanyang secretary at napakunot ang kanyang noo dahil hindi niya ito nakita du'n. "Where is Ms. Buenavista?" baling niya sa mga kaibigan nito. "Wala pa ho siya, Mr. CEO," sagot naman ni Jenny. Tumango-tango siya saka siya agad na pumasok sa kanyang opisina. Inis na umupo siya sa kanyang swevil chair habang iniisip niya kung bakit hindi pumasok si Nayume sa araw na 'to. "Are you asking for two days leave?" naaalala niyang tanong niya rito nang araw na nagpaalam ito sa kanya

