Nang sumapit ang gabi ay kanya-kanya nang nagsiuwian ang mga katrabaho ni Nayume at sina Jenny at Antonette naman ay sinubukan pa siyang tulungan para maaga niyang matapos ang mga iyon pero nagalit nakatanggap lamang sila ng panenermon sa kanilang boss nang makita nito ang ginawa nilang pagtulong. Sinabihan pa sila kung gusto na ba nilang humanap ng ibang kompanyang mapagtrabahuan ay sasabihin lang nila dahil madali lang naman daw siyang kausapin. Natakot din naman si Nayume para sa dalawa kaya siya na mismo ang nagtaboy sa mga ito para umuwi na. "Alam mo, nagtataka talaga ako kay Mr. CEO, bakit pa ganu'n na lamang niya kung tratuhin si Nayume? Para bang feeling niya, walang kapaguran ang kanyang secretary kaya tinatambakan niya ng sangkatutak na trabaho," pahayag ni Jenny habang nagla

