"Cedric, mag-usap muna tayo, please," pakiusap ni Nayume nang nagkaroon sila ng pagkakataon habang nasa hallway sila ng kompanya pero isang pasimpleng tingin lang ang ibinigay ni Cedric sa dalaga. "There's nothing we need to talk about." Agad siya nitong nilagpasan pero mabilis naman niya itong pinigilan sa kamay nito kaya ito napahinto sa paglalakad. "Sorry. Sorry kung nagsinungaling ako. Cedric, sana naman pagbigyan mo muna ulit ako ngayon," umiiyak niyang saad pero nararamdaman na lamang niya ang dahan-dahan na pagbawi ng binata sa kamay nitong hawak-hawak niya. "Sana, ako naman ang mapagbigyan mo, Nayume. Masyado nang masakit ang paulit-ulit na niluluko kaya kung gusto mo pang manatili sa kompanya ko, huwag mong ibandera ang mukha mo sa harapan ko magmula ngayon dahil sa totoo

