"I just know the truth, Paolo told me," saad ni Trina nang kausapin niya si Nayume sa isang coffee shop. Napayuko na lamang si Nayume dahil nakaramdam siya ng hiya sa kanyang mga kasinungalingan. "Okay ka lang ba?" "Sorry, huh kung nagsinungaling ako sa inyo," maluha-luha niyang saad. Agad na ginagap ni Trina ang kanyang kamay saka siya nito tiningnan nang mabuti sa mga mata. "Naiintindihan kita. If I was on your shoes, malamang gagawin ko rin ang bagay na 'yon just to have that job." "Alam kong mali ko, sana sinabi ko sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon kaso natakot lang ako na baka hindi niya ako maintindihan kung sakali mang sinabi ko sa kanya. "Hayaan mo muna siya. Alam kong nabigla lang dahil alam na natin kung ano ang napagdaanan niya. Alam ko, darating ang araw na ma

