"Just marry her and I will do the rest to save your company," dagdag pa nito habang seryoso itong nakatingin sa kanya na para bang sinusuri ang kanyang magiging reaksiyon. Napatawa naman ng pagak si Cedric matapos niyang marinig ang mga sinabi sa kanya ng ama ng kanyang ex-fiancee. "Tito, it seems that you already forgot what your daughter done to me a years ago," aniya at nakita naman niyang napakibit-balikat ito. "Kahit kailan, hindi ko makakalimutan ang bagay na 'yon dahil sa totoo lang, napahiya rin ako dahil du'n but as her father, nakikita ko naman na pinagsisihan na niya ang lahat ng kanyang nagawa and until this time, I can still see in her eyes that she still loves you the way how she loved you before." May nakakauyam na ngiting bigla na lamang sumilay sa gilid ng kanyang

