CHAPTER 76

1673 Words

"Anak, malaki rin ang naitulong sa atin ng tito niyo. Kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi niyo na ako nakakasama ngayon." Nagkatinginan ang magkakapatid sa tinuran ni Leon. Naisip din ng dalawa na may punto rin naman ang kanilang ama. "Sige, ganito na lang, hahayaan na lamang nating si Cedric na ang magdedesisyon para sa tito niyo," saad ni Leon na sinang-ayunan naman ng dalawa. Halos hinimatay si Celeste nang ibalita sa kanya ni Trina ang totoong nangyari kay Cedric at kahit na ayaw siyang makita nito ay talagang pumunta siya ng hospital upang malaman ang kalagayan nito. "Kumusta na ang anak ko?" tanong niya kaagad kay Nayume nang ito na lamang ang kanyang naabutang nagbabantay kay Cedric. "Okay na po siya, Madam Chairwoman pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya gumigising,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD