Naaawang lumapit si Cedric sa umiiyak na dalaga. Ilang beses na rin niya ito nakitang umiyak pero ang labis na sakit ay ngayon lang niya nararamdaman para sa dalaga. Umupo siya sa tabi nito at dahan-dahan na itinaas niya ang isa niyang palad s hinagod-hagod ang likuran ng dalaga upang kahit sa ganu'ng paraan lamang ay mapagaan niya ang mabigat nitong kalooban. "Everything will be alright, okay?" sabi niya at marahan namang tumangu-tango ang dalaga. "Thank you," umiiyak pa rin nitong baling sa kanya. "Kung hindi dahil sa inyo, malamang hanggang ngayon, gulong-g**o pa ng utak ko," dagdag pa nito. Patuloy na dumadaloy ang mga luha ni Nayume sa magkabila niyang pisngi at walang anu-ano'y ikinulong ni Cedric ang mukha nito gamit ang malalaki niyang palad habang pinupunasan ng magkabila n

