CHAPTER 48

1738 Words

"Roniel, nandito ka rin pala," baling ni Leon sa dating nobyo ng anak na hindi nito alam na matagal na palang hiwalay ang dalawa. Nakangiting lumapit si Roniel sa matanda saka niya hinawakan ang kamay nito. "Kumusta po kayo? Pasensiya na, ngayon lang uli ako nakadalaw sa inyo." "Naku! Ano ka ba, okay lang 'yon. Sinabi kasi sa amin ni Nayume na sobrang busy ka raw sa trabaho mo kaya halos wala ka nang oras." Napatingin si Cedric sa kamay ni Roniel nang bahagya itong tapikin ng matanda. Ramdam talaga niya ang pagiging boto nito para kay Nayume. "Masaya nga ako dahil masipag ang lalaking minahal ng anak ko. Alam ko na kapag mag-asawa na kayo, hinding-hindi pagsisisihan ni Nayume ang mahalin ka," pahayag ni Leon na siya namang agad na inawat ni Nayume. "Pa, pwede bang huwag niyo munang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD