Nanginginig ang kamay ni Mia habang pinagmamasdan niya ang picture ng kanyang kapatid na nakagapos ang mga paa at kamay habang nakaupo ito sa isang silya at may telang nakasuksok sa bibig nito at nakapikit ang mga mata. "Ate Nayume," mangiyak-ngiyak na sambit ni Mia sa pangalan ng kanyang kapatid na siyang nagpakunot sa noo ng dalawang lalaking kasama niya sa loob ng office na 'yon. Mabilis na lumapit si Cedric at bago pa man nailayo ni Mia ang kanyang phone sa binata ay mabilis na itong inagaw ni Cedric at nang makita na nito ang totoong sitwasyon ni Nayume ay agad na gumuhit sa mukha nito ang sobrang pag-aalala para sa dalaga. "A-anong nangyari sa kanya? Bakit siya nakagapos? Sinong may gawa nu'n?" sunod-sunod na tanong ni Cedric kay Mia habang si Paolo naman ay nababahala na rin. S

