Dumidilim na rin ang paligid nang marating nila ang bahay nina Nayume, labis naman ang pagtataka ni Keira kung saang lugar na sila ng mga oras na 'yon basta ang alam lang niya ay sinusundan niya ang sasakyan nina Paolo pati na ni Cedric at sa harapan ng isang bahay pumarada ang mga ito. Ramdam niyang may kakaiba nga talagang nangyayari kaya ganito na lamang ka-restless ang mga ito pero wala naman siyang ideya kung bakit. Samantala, habang patuloy na nagsusumikap si Nayume na makawala ay bigla na lamang siyang napapiksi sabay lingon sa may bintana ng kanilang bahay at du'n may isang anino ng lalaki siyang nakita. Ganu'n na lamang ang kanyang pagkabigla at pagkaawang ng kanyang mga labi nang makilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng aninong 'yon. "C-Cedric?" "Shhhh," sabi nito sabay

