"Cedric, bakit? Bakit mo 'to ginagawa sa akin?" humahagulhol na tanong ni Nayume, "Ano pa ba ang kulang? Minahal naman kita, ah!" Imbes na maawa sa kanya ang binata ay galit pa itong hinablot ang kamay nitong hawak-hawak niya saka siya nito tiningnan nang matalim. "Hindi pa ba malinaw sa'yo ang lahat? Ikakasal na ako, Nayume. Naiintindihan mo ba?!" pasinghal nitong tanong sa kanya saka galit na binitiwan ang payong na hawak nito saka walang lingon siya nitong iniwan. Sumadsad sa lupa ang payong at naglakad ito sa ilalim ng ulan! Wala nang iba pang nagawa ang dalaga kundi ang umiyak na lamang habang pinagmamasdan niya ang kanyang nobyo na mabilis ang mga hakbang na ginawa papalayo sa kanya. Nang nawala na ito sa kanyang paningin ay lalo lamang naghihinagpis sa sakit ang kanyang puso.

