"Kumuha ka ng batya at lagyan mo ng tubig pagkatapos dalhin mo rito," utos ni Leon kay Mia na agad naman nitong sinunod. Nang matapos dalhin ni Mia ang inutos ng kanyang ama ay agad din siyang bumalik sa loob ng kwarto ng kanyang ate at siya na ang kusang nagpunas sa katawan ng kanyang kapatid na inaapoy sa lagnat. "Cedric," usal ni Nayume sabay hawak sa kamay ni Mia na may hawak sa face towel na ginagamit nito sa pampunas sa kanya. "Ate?" pukaw naman ni Mia sa kanyang kapatid. "Cedric," muling usal ng dalaga habang nakapikit ang mga mata, "Huwag mo 'kong iwan, please," sabi pa nito habang nababalisa at kung saan-saan na ibinabaling ang ulo at nagsilandasan na rin ang mga luha nito. "Ate Nayume?" muling sambit ni Mia rito sa pagbabasakaling magising niya ito at maya-maya lang a

