"Una, 'Don't Move'. Ang ibig sabihin huwag kang gagalaw. Dahil nagsisimula ang letra ng don't move sa 'D' ito ang gagamitin nating signal." Napakagat ako ng labi dahil hindi ko naman alam kung ano ang itsura ng mga letra dahil hindi ako marunong magsulat, kahit ang magbasa. "Kapag narinig mo ang boses ko o ang tunog na gagawin ko, susundin mo. Sisipol ako ng isang mahaba at susundan ng dalawang sunod-sunod na maikling sipol. Kapag narinig mo 'yan ibig sabihin don't move. Maliwanag ba?" Isang mahabang sipol at dalawang maikling sipol. Don't move ang ibig sabihin. Sige. Tinandaan ko ang mga sinabi niya. "Oo," kasabay ng pagtango ko sa kanya. "Pangalawa, 'Run in the count of three', kapag narinig mo ito- ang isang maikling sipol, sinundan ng isang mahabang sipol at kasunod ang isang mai

