"Nababaliw ka na ba talaga?!" Mariin kong nakagat ang labi dahil sa biglaang pagsigaw ni Khiros. Ramdam ko ang galit niya sa akin. Kahit gano'n hindi ko maiwasang magdiwang at lumundag ang puso dahil sa naging reaksyon niya. Pakiramdan na mahalaga ako sa kanya. Gustong-gusto ko kapag ganyan siya sa akin. Pakiramdam ko kasi nagagalit siya sa akin dahil nag-aalala siya na mapahamak ako. Nagagalit siya at ayaw niya akong masaktan. Ilang beses kong pinag-isipan ang mga nabubuong plano sa isipan ko. Paraan na naiisip ko para makita ko si Ama. Gusto kong makita si Ama. Siya na lamang ang mayroon ako at gusto ko siyang mahanap. Gusto kong makasama ulit si Ama kaya gagawin ko ang lahat para makita ko ulit siya. "Nag-iisip ka ba talaga? Hah?! Nasaan ang kokote mo at hindi mo mahanap?" Muli kon

