Part 03: KILLER QUAKE Horror will shake you... to death! MASUYONG hinaplos ni Tanya ang kanyang napakagandang wedding gown. May ngiti sa kanyang labi at nagbabadyang luha sa kanyang mga mata dahil natutuwa siya na sa wakas, makalipas ang halos tatlong taong relasyon nila ni Joshua ay ikakasal na sila. Sa susunod na linggo na ang pag-iisang dibdib nila ni Joshua. Nakahanda na ang lahat at ang araw na lang ang hinihintay nila. Halos hindi na nga siya makatulog sa sobrang excitement na nararamdaman. Habang hawak ang wedding gown sa kanyang silid ay tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya iyong sinagot nang makitang tumatawag ang nanay niya. “Mommy, bakit po?” bungad niya sa tawag na iyon. “Kumusta ka naman, Tanya?” Nasa probinsiya pa ito at ang daddy niya. “Okay naman po. Excited na k

