HALOS anim na oras ang binyahe nina Tanya at Joshua bago nila narating nag resort kung saan naroon si Thea. Liblib iyon at parang luma na ang naturang resort. Talagang balak yata ng kapatid niya na pahirapan siya na hanapin ito. Nagastusan pa sila dahil hindi sila pinapasok ng caretaker hangga’t hindi sila nagbabayad ng entrance. Pagod at puyat. Iyon ang nararamdaman ni Tanya at alam niyang gayundin si Joshua lalo na at ito ang nagdrive. Pagpasok pa lang nila ay narinig na nila ang sigawan at tawanan. Nakita niya sa swimming pool ang kanyang kapatid. Nakasakay ito sa balikat ng isang lalaki habang may hawak na isang bote ng alak. May kaharap itong babae na nakasakay din sa balikat ng lalaki. Ang iba nitong kasama ay naghaharutan sa swimming pool na akala mo ay mga pinakawalan na aso sa k

