NAALIMPUNGATAN si Tanya nang may marinig siyang kumakatok sa bintana. Sumalubong sa kanya ang kadiliman nang imulat niya ang kanyang mga mata. Habang sinasanay niya ang mata sa dilim ay kinapa niya sa kanyang tabi si Joshua na natutulog. Gigisingin niya sana ito ngunit naisip niyang pagod nga pala ito. Siya na lang ang tumayo upang tignan kung ano iyong kumakatok. Pagbukas niya ng bintana ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya doon si Miyaka! May hawak itong itak habang tila isang demonyong nakangiti sa kanya. “Sa wakas, natagpuan din kita, Tanya!” anito. Sa sobrang takot niya ay napasigaw na lang siya. Hanggang sa isang kamay ang humawak sa kanyang likod. Paglingon niya ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Joshua. Mabilis siyang yumakap dito sabay turo sa nakabukas na bi

