AYAW na ni Tanya na mag-alala si Joshua sa kanya kaya hindi na lang niya sinabi dito ang nakita niya kanina. Sinarili na lamang niya ang bagay na iyon. Maghapon nilang hindi nakita sa cabin sina Beth, Leroy at Clara na ipinagtataka nila. Naikwento na rin ni Juliana sa kanila na isang buwan pa lang ang negosyong ito nina Beth. Wala naman daw may-ari ng isla kaya nagtayo ang mga ito ng cabin para sa mga iilang turista na nagtutungo doon. Matapos ang hapunan ay umalis muna si Juliana kaya silang dalawa lang ni Joshua ang naiwan sa cabin. Gumawa sila ng mainit na tsokolate at nagdesisyon sila na inumin iyon sa may labas. Meron kasing mahabang upuan sa tabi ng pinto sa labas. Doon sila umupo habang nakaharap sa mga puno sa gubat. Nakasandal ang ulo ni Tanya sa balikat ni Joshua habang nag-uus

