MORWEN POV Hahaha hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa iyong tawang hindi na kayang pigilan, iyong tawang parang may halong tagumpay, yabang, at kaunting kabaliwan. Nasa harap ko ang malaking screen, may hawak akong cellphone sa isang kamay at wine glass sa kabila. Sa bawat notification na pumapasok, mas lalo akong ginaganahan. “See?” sabi ko, sabay taas ng kilay, sabay apir kay Chi-Chi. Apir! Ang tunog ng palad namin ay parang hudyat ng tagumpay. “Told you. Effective.” Nakaupo lang siya roon relaxed, kalmado, parang wala lang. Iba talaga ang aura ng mga taong sanay makuha ang gusto nila. Paikot-ikot lang ang wine sa baso niya, saka dahan-dahang ininom, parang nanonood lang ng pelikulang alam na niya ang ending. Samantalang ako? Diyos ko. Parang nanalo ako sa isang laro na matagal

