DIYOSA POV Lumipas ang mga araw na parang panaginip mabagal pero masaya. Araw-araw akong nagigising na may ngiti sa labi dahil sa simpleng katotohanang kami na. Si Evan. Ako. Walang titulo na pilit, walang pagpapanggap. Totoo. Tahimik. Masaya. Gigising kami nang maaga para kay Lola Elena. Minsan, kilala niya kami. Minsan, tinatawag niya akong “asawa ni Lucien.” Minsan naman, tinatanong niya kung sino ako. At sa bawat pagkakataon, natutunan kong ngumiti kahit masakit, dahil mas masakit ang makita siyang umiiyak kapag naguguluhan siya. Si Evan grabe ang pasensya. Kahit paulit-ulit niyang ipinapakilala ang sarili niya, kahit paulit-ulit siyang tinatanong kung nasaan si “Lucien,” hindi siya napapagod. Doon ko lalo siyang minahal. Masaya kami. Totoo. At siguro… doon nagsisimula ang problema.

