MASHIO POV Tahimik ang buong opisina yung tipong rinig mo ang mahinang ugong ng aircon, ang tik-tik ng wall clock, at ang kaluskos ng papel sa mesa. Alas-dos ng madaling araw. Graveyard shift. At sa napakalaking Crime Investigation Office na ‘to, dalawa lang kami ako… at siya si Police Lieutenant Eureka Espinosa. Nakaupo siya sa tapat kong mesa, seryosong seryoso, naka-ponytail ang buhok, nakasalamin, at abala sa pagbabasa ng case files. Ang lamig ng aura niya yung tipong kahit aircon, matatalo. Samantalang ako, ewan ko ba, parang sinapian ng kalokohan. Siguro dahil antok na. Siguro dahil kami lang dalawa. O siguro… dahil crush ko talaga siya. Inilapag ko ang ballpen ko at sinandal ang siko sa mesa. Tinitigan ko siya. Hindi yung bastos na tingin ah yung admiring-from-a-distance kind

