EVAN POV Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang salitang iyon habang nakaupo ako sa gilid ng hospital bed ni Lola. Ninety-five years old. Siyamnapu’t limang taon na siyang nabuhay sa mundong ito puno ng hirap, sakripisyo, at tahimik na pagmamahal. Akala ko handa na ako sa kahit anong mangyari dahil sa edad niya. Akala ko, tanggap ko na na darating ang araw na hihina siya, na magiging mas mabagal, na baka tuluyan na siyang mawala pero hindi ganito. Hindi ‘yung nakikita kong gising pa siya, humihinga, ngumingiti… pero unti-unti namang nawawala ang alaala ko sa kanya. Parang may kamay na dahan-dahang nagbubura sa kung sino ako sa mundo niya. Nakaupo siya ngayon sa kama, hawak ang maliit na stuffed toy na binili ni Diyosa sa gift shop. Pinipis

