DIYOSA POV Grabe. As in grabe talaga. Kung may world record sa pinaka-nakakaiyak dahil sa pananakot ng sariling kasama, sigurado akong pasok ako sa Top 1. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ‘yung sakit sa lalamunan ko sa kakaiyak kanina ‘yung iyak na hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa inis, gulat, at konting hiya na rin. Nakaupo ako ngayon sa kama ng resort room, yakap ang unan, nakakunot ang noo, at may muta pa yata ako sa mata. Samantalang si Evan nasa kabilang dulo ng kwarto. Tahimik. Too quiet. At kapag tahimik si Evan, ibig sabihin may kasalanan siya. “Hindi ka pa rin ba tapos umiyak?” tanong niya, maingat ang boses, parang naglalakad sa minefield. Tiningnan ko siya ng masama. “Excuse me,” singhal ko, “AKALA KO KAKAININ AKO NG ASWANG.” Huminga siya nang malalim. “Sabi

