Kabanata 40

2108 Words

HALOS madapa na si Dencio sa pagtakbo galing sa kumpol ng maraming tao bago siya magtungo sa kuta ng mga kasama. Ilang linggo nang hindi nagpapakita sa kanila si Gary kaya nagdesisyon siyang puntahan ito sa bar na madalas nitong tambayan ngunit matagal na rin daw na hindi roon dumadalaw ang lalaki. Ilang linggo na rin ang lumipas mula noong magpaalam ito sa kanya na mag-re-report kay Saul tungkol sa nangyari kay Mariz ngunit hindi na ito nagbalik. Inaasahan niya pa naman na uuwi ito dahil nangako itong pupunta sa nalalapit na kaarawan niya. Kahit sina Mariebelle at Pablo ay ilang araw nang sunod-sunod na tinatawagan ang lalaki ngunit hindi ito sumasagot sa kahit na sino sa kanila. “Hindi kaya iniwan na tayo sa ere ni Gary? Ilang linggo na siyang hindi napapadpad rito,” ani Mariebelle

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD