AGAD hinigit ni Oscar ang katawan ni Mariebelle papasok sa kotse. Halos hindi nila matingnan ang sinapit nito. Tumatagas pa ang dugo mula sa ulo nito habang iniuupo nang maayos ng lalaki at saka ilagyan ng seat belt. Ipinikit din nito ang mga mata ng babae at kinuha ang baril na hawak. “Sabi ko sa ‘yo, huwag mong gawin ‘yon!” naiiyak na saad ni Pablo habang patuloy sa pagmamaneho. “Pablo, magpatuloy ka lang sa pagmamaneho. Kami na ni Oscar ang bahala sa kanila.” Nakipagsagutan ng putok ang dalawang lalaki habang hindi natinag sa pagmamaneho si Pablo. Narinig pa nito ang pagmumura sa gigil ng dalawang lalaki habang nakikipagbarilan sa mga hindi nila kilalang kanina pa sunod nang sunod sa kanila. “Ilabas mo na sa highway! Paniguradong hindi magpapaputok ‘yang mga iyan doon dahil mara

