“NICE to meet you po.” Agad kinuha ni Gaia ang kamay ng ginang at nakipagkamay kahit na hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na ina ito ng lalaking kasama niya ngayon. Napakaganda ng babaeng nasa harapan niya. Tila isa itong diyosa na ibinaba sa lupa upang maghasik ng kagandahan sa mga katulad niyang hindi nabiyayaan nito. “Have we met somewhere?” tanong pa nito sa kanya habang nakangiti. “H-hindi pa po ako nakakita ng ganyan kaganda—este, hindi ko pa po kayo nakikita as in ngayon ko lang po kayo nakita.” Dahan-dahan niyang binitiwan ang pagkakahawak ng kamay sa ginang at matuwid na tumayo. “By the way, nandito sina Asher dahil magpapasukat na ako ng gown na susuotin ko sa kasal nila ni Chesca and I didn’t know that you have something to tell me about it.” Tumaas ang kilay ni

