MULING kumaway si Gaia bago tuluyang umalis ang kotse ni Bettina habang gumaganti rin ito ng kaway sa kanila. “You know what?” nakangiting sabi ni Lucas sa kasama habang nasa labas pa sila ng kotse. “Bakit?” Nakangiti rin si Gaia na nilingon siya. “Ngayon ko na lang ulit nakita si eomma na ganoon kasaya. Iyong tumatawa at nakikipag-usap sa ibang tao,” aniya at saka namulsa. “Baka naman kasi dahil kasama niya kayong dalawang magkapatid kaya ganoon na lang siya kasaya. Sabi niya sa akin kanina, hindi ka naman daw araw-araw umuuwi sa bahay n’yo kasi sa condo ka nakatira,” pahayag nito. “Hay naku. Si mama talaga. Baka naman tsinismis niya na ako sa ‘yo, ha?” Isang musika sa tainga ni Gaia ang marinig ang mahinang pagtawa na iyon ng lalaki. Ilang beses niya pa lamang itong nakakasama

