UMIWAS na si Bettina kay Artemio mula noong nagtapat ang lalaki sa kanya. Hindi naman sa ayaw niyang may mga lalaking nagkakagusto sa kanya pero ayaw niya noong dumarating sa puntong pinipilit nito ang kanilang mga sarili sa kanya. Mahal niya ang Koreno niyang nobyo at hihintayin niya ang pagkakataong matanggap ito ng kanyang ama. May mga plano na silang dalawa pagkatapos ng kolehiyo at ayaw niyang mapurnada ang lahat ng iyon. Gusto niyang maging successful hindi dahil Montelumiere ang apelyidong dinadala niya kundi dahil masipag siya, matalino, at may kakayahang makipagsabayan sa business world. Balak nilang magtayo ng isang construction company at isang mall na kung saan ay dadayuhin ng mga tao. Kapag naiisip niya ang pinaghalo nilang ideya at pangarap ng lalaki ay mas lalo siyang na

