“TALAGA? Hindi ka nagbibiro?” Bakas sa mukha ni Tristan ang galak nang sabihin ni Gaia na napagdesisyunan niya nang sa cafe ni Lucas magtatrabaho. Isang linggo’t kalahati rin siyang nagpahinga. Gusto niya kasi munang matanggal at maghilom ang sugat na nasa pisngi niya bago humarap sa mga tao. “Oo. Pero pupunta muna ako sa clothing store mamaya para magpaalam nang maayos kay Allistair. Kahit paano naman ay naging maganda ang trato niya sa akin at hindi niya ako pinakitaan ng masama.” “Maliban lang sa nangako siya,” paalala pa nito habang nagsusuklay sa harap ng salamin. “Hayaan mo na. Tapos na naman. Ikaw, hindi ka naman maka-move on, eh.” “Sino’ng hindi makaka-move on doon? Kapag naiisip ko iyong ginawa ng babaeng iyon sa iyo, araw-araw kong gustong sumugod kung saan ka nagtatraba

