MAGMULA noong tanggapin ni Temyong ang kanyang trabaho bilang kanang kamay ni Steve, naging maganda ang kapalaran niya. Hindi niya inaasahang napakabilis ng pasok ng pera sa account niya sa bangko lalo na kung may maipapatumba siya sa mga may pagkakautang sa boss niya. Itinalaga siya nito bilang tagalinis ng mga taong nasa listahan ni Steve. Ang mga taong iyon ay may matagal nang pagkakautang sa pera at sa droga. Noong una’y hindi makapaniwala si Temyong na iyon ang ipapagawa sa kanya ng lalaki. Ang akala niya ay nagbibiro ito noon upang takutin siyang tanggapin ang alok na trabaho kahit na malaki ang kikitain niya. Sa loob lamang ng tatlong buwan ay nakabili ito ng sariling lupa at nakapagpatayo ng sariling bahay na mayroong swimming pool sa likod. Ngayon nga ay naroon siya at nag

