NAKALIMUTAN na ni Lucas ang pagpunta ni Margie sa café niya. Masyadong natuon ang atensyon niya kay Gaia. Aksidente lang siyang napalingon sa labas at nang makita ang ginang, hindi niya alam kung bakit ba awtomatikong napahinto siya sa ginagawa at pinagbuksan ito. Tatlong taon na ang lumipas at napakalaki nang pagbabago ng ginang mula noong huli niyang pagkikita. “Maupo po muna kayo, Tita. Pasensya na po at medyo makalat. Naglilinis po kasi kami.” Inalalayan niya ang ginang at pinaupo sa isa sa mga nalinis na nilang mesa at upuan. “Salamat, Lucas.” “Lorice, pakigawaan mo nga si Tita ng ginger tea at isang chocolate frappe ang sa akin.” Agad namang sumunod ang babae at iniwan ang ginagawa. “Teka lang po, Tita.” Tumango si Margie kasabay ang pagngiti kay Lucas. Nanlalamig ang mga

