BALISA at hindi umiimik si Gaia nang makauwi sila galing sa opisina ni Lucas. Pagkatapos makipag-usap kanina na hindi niya sasampahan ng kaso si Marian dahil sa ginawa sa kanya, nagyaya na itong umuwi. Masyado niyang dinamdam ang panaginip na iyon kaya pag-uwi ay gusto niyang matulog ulit upag subaybayan ang nangyari. Nahuli kaya noong lalaki iyong dalawang bata? Makakatakas kaya silang dalawa? Parang pinipiga ang puso niya habang pinapanood na umiiyak ang batang lalaking iyon. “Gaia, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Tristan pagpasok nila sa loob ng unit. “O-oo. Okay lang ako. Gusto ko lang muna na magpahinga.” Agad kinuha ng kanyang pinsan ang lasagna sa ref at ininit iyon. “Teka, kumain ka muna kahit na kaunti bago ka magpahinga. Wala ka pa yatang kinain kanina.” “Kumai

