NGAYON pa lang na pababa si Tristan sa kotse ay kinakabahan na siya sa kung ano ang nangyari kay Gaia. Mabuti na lamang at nasa bahay pa siya dahil kung hindi, matagal siyang makakabalik dahil sa traffic. Nakita niya si Lucas na hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkainis. Kasama nito si Kristel na nakasunod sa paglalakad at tila kagagaling lang nila sa clothing store kung saan nagtatraaho si Gaia. “Lucas! Kristel!” Napahinto ang dalawa sa paglalakad at lumingon sa kanya. Mabilis niyang ini-lock ang pinto ng kotse at tumakbo patungo sa dalawa. “Ano ang nangyari kay Gaia? “ nag-aalala niyang tanong. “Let’s check her upstairs.” Sunod-sunod silang nagsipagpasukan sa loob ng café. “Layne, okay pa ba kayo rito sa baba? Kasi kung hindi, ipapatawag ko na si Lorice para tumulong sa inyo.

