“G-Gaia!” Niyugyog ni Lucas ang babae nang bigla na lamang itong himatayin mismo sa harapan niya. Patungo sana siya sa bookstore upang kumuha ng coin envelope dahil sasahod na ang mga empleyado niya ngunit ito ang nadatnan niya papasok pa lamang. Nakita niya pang tinawagan nito si Tristan dahil naka-dial pa rin ang number nito at sumasagot sa kabilang linya. “Gaia! Hindi magandang biro ‘yan, ha? Nasaan ka ba?” “Tristan, hinimatay si Gaia. Nakita ko siya rito sa labas ng mall kung saan siya nagtatrabaho. Please come to my café so you can check on her. May sugat siya sa pisngi na nagdudugo ngayon.” Hindi niya ito hinintay na sumagot at pinatay na ang tawag, Kinuha niya ang sling bag na nabitawan ng babae at isinukbit iyon sa kanyang balikat. “Sir, kailangan n’yo po ba ng tulong?” tan

