"SHE even blocklisted me in all BPO companies nationwide, Tristan! Hindi ba't parang sobra naman na yata 'yon?" reklamo ni Gaia nang makausap siya nang masinsinan ni Tristan pag-uwi nila galing sa board review. Tumigil na ito sa pag-iyak ngunit ang dalang sama ng loob at hinanakit ay hindi matawaran. "Girl, baka naman tinatakot ka lang niya. Baka ayaw niyang mag-apply ka sa ibang BPO companies?" "That's exactly what I am thinking! May karapatan naman siguro akong maghanap ng ibang BPO companies. That is so unfair!" Narito sila ngayon sa kwarto ng babae at kumakain ng pizza sa lapag. Galit na galit si Gaia sa naging desisyon ni Matilde tungkol sa pagtatrabaho niya sa mga call center companies at hindi na naisip pa ang malalim na dahilan kung bakit naging ganoon ang desisyon ng assi

