NASA punto si Gaia ng buhay niya na gusto niyang magalit sa mundo dahil sa nangyaring siya naman ang may kasalanan. Hindi siya mapakali at talaga namang gusto niyang sugurin ang kahit na sino. Hindi na rin siya natuloy sa muling pagbalik sa kwarto dahil baka mabasag niya lang ang mga vase na naroon. Kalahating araw na siyang nakaupo sa sofa dahil nagpaalam si Tristan sa kanya kanina na may kailangan lang itong ayusin sa opisina at uuwi kaagad pagkatapos. "Ililigo ko na lang 'to. Baka sakaling mabawasan ang init ng ulo ko." Tumayo siya at nagdire-diretso sa kwarto at naligo. Ilang minuto siyang nakababad sa bath tub pero walang nangyayari. Badtrip pa rin siya. Naiinis pa rin siya. At gusto niyang mag-amok ng away sa labas na para bang isang baliw. Tinapos niya ang pagligo at nagsu

